DILG 11, nananawagan na dumulog sa hukuman kung mayroon mang iregularidad sa hindi pagtanggap ng mga hindi bakunadong indibidwal sa trabaho o tanggapan ng gobyerno

DAVAO CITY –Nananawaga ang Department of the Interior and Local Government 11 (DILG 11) sa publiko na dumulog sa hukuman kung mayroon mang iregularidad sa hindi pagtanggap ng mga hindi bakunadong indibidwal sa trabaho o di kaya'y transaksyon ng gobyerno.

Sa isang press conference, sinabi ni DILG 11 regional director Alex Roldan na walang mangyayari kung hanggang social media ang kanilang mga reklamo.

Ayon kay Roldan na tanging hukuman lang ang makaka-resolba ng isyu kung totoong may Justiciable Question sa nasabing patakaran ng mga establisyemento o tanggapan ng gobyerno.

Dagdag nito na hangga't walang desisyon ang hukuman ay mananatili itong regular at walang nilalabag na anumang batas. (Armando Fenequito) 

DILG 11 regional director Alex Roldan sa isinagawang press conference nitong November 19. (Armando Fenequito)