Pondo ng Basilan State College para sa 2022, tinaasan ng Kongreso; target na maging state university
Pondo ng Basilan State College para sa 2022, tinaasan ng Kongreso; target na maging state university
Tinaasan ang pondo ng Basilan State College para sa 2022 sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.

Matatandaang nilagdaan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pambansang pondo para  sa 2022.

Ayon kay Deputy Speaker at Basilan Representative Mujiv Hataman na mula sa orihinal na P113 million proposed funding ng kolehiyo ay naitaas ito sa P233 million para sa susunod na taon.

Sinabi nito na malaking tulong ito sa paghahanda ng paaralan sa napipinto nitong conversion bilang isang state university. Subalit bago ito maisakatuparan , kailangan munang  maka-comply sa rekisitos ng Commission on Higher Education (CHED)  tulad na lamang ng upgrading ng mga pasilidad ang nasabing state college.

Ngayong  taon lang nang lagdaan ng Pangulong Duterte  ang Republic Act No. 115544, “an Act Converting the Basilan State College into a state university”.

Kung magiging  ganap na state university ito, mas maraming estudyante aniya ang makikinabang dahil siguradong madadagdagan ang mga kurso na maaaring buksan para sa mga gustong mag- aral.

What's your reaction?

Facebook Conversations