
views
Ito ang pahayag ni Attorney Ferdinand Topacio, ang Legal Counsel ng KOJC sa isang press conference na ginanap kaninang umaga (Pebrero 7).
Ayon kay Topacio, nang ilabas ang indicment decision noong November 10, 2021, ay sabay ding inilabas ang warrant of arrest, kaya't dapat ay noong panahon ding iyon inilabas ang naturang wanted poster.
Kasabay nito, pinayuhan ng abogado ang publiko sa pag-intindi sa kasong kinahaharap ng naturang kilalang lider sa simbahan.
Ipinaliwanag ni Topacio na kaiba sa case proceeding ng Pilipinas, hindi nabibigyan ng pagkakataon ang akusado o suspect na inihabla sa Federal Jury upang depensahan ang kanyang sarili.
Maaari kasing simulan ang naturang pagdinig sa kaso kahit ang mga testigo o nagrereklamo lamang ang humarap.
Anya ang mga nagreklamo laban kay Quiboloy ay mga dating miyembro na lumabag sa panuntunan ng KOJC na kung saan ang iba nito ay nahaharap sa imbestigasyon.
Samantala, umapela rin ito sa mga mamamahayag na maging parehas o patas sa pag-uulat ukol sa nasabing usapin.
“We are serving warning to everyone that any libelous statements in all platforms- print, broadcast, digital media will be dealt with to the fullest extent of the law,” ayon kay Topacio.

Facebook Conversations