
views
Ito ang kinumpirma ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang press conference ngayong hapon (Enero 31).
Ayon sa kanya, ang nasabing hakbang ay ginagawa tuwing panahon ng halalan upang maiwasan ang pagiging pamilyar sa pagitan ng mga opisyal ng Comelec at mga lokal na pulitiko.
Sinabi ng tagapagsalita ng poll body n ang serye ng balasahan ay nagsisimula sa regional directors sa nakalipas na apat na buwan.
Kasunod nito ay reshuffle ng mga assistant regional directors at provincial supervisors.
Anya, ang Comelec ay nagtatag din ng regional network of spokespersons.
Sinabi pa ni Jimenez na idineploy na ang nasabing mga regional spokesperson para sa mock elections at makikita aniya ang pagtaas ng papel para sa kanila habang lumilipas ang mga araw.

Facebook Conversations