Baril, pampasabog, nahukay dahil sa tulong ng dating rebeldeng NPA sa South Cotabato
Baril, pampasabog, nahukay dahil sa tulong ng dating rebeldeng NPA sa South Cotabato
Sa pamamagitan ng tulong ng mga dating miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na sumuko sa nakalipas na buwan, ibat-ibang uri ng baril at pampasabog ang nahukay ng mga kasapi ng 39th Infantry Battalion sa Sitio Bonglawaam, Barangay Palo 19, Tampakan, South Cotabato, sabado (Nobyembre 27).

Kabilang sa nadiskobrehan ng kasundaluhan ay ang isang kalibre 50 machine gun; shot gun; apat na granada; at isang 40mm grenade launcher ammunition.

Napag-alaman na ang mga nasabing gamit at pagmamay-ari ng mga kasapi ng Guerilla Front ALIP ng Far South Mindanao Region ng NPA.

Ayon kay Lieutenant Colonel Ezra Balagtey, kumander ng 39th IB na ang pagkadiskobre ng mga baril at eksplosibo ay pagpapatunay lamang sa lumiliit na pwersa ng mga komunistang grupo.

“This is a manifestation of a dwindling NPA force. They have reached the point that they have more firearms than personnel which means that they are hard up in their recruitment," saad ni Balagtey.

Nasa puder na ng 39th IB headquarters sa Barangay Poblacion, Makilala, North Cotabato ang nabanggit na mga bagay para sa proper disposition nito. (By Ruth Palo)

Larawan: 39th IB

What's your reaction?

Facebook Conversations