10 lalawigan, naitalang may  pinakamaraming botante; mga kandidato kailangang sumunod sa mga regulasyon sa pangangampanya
10 lalawigan, naitalang may  pinakamaraming botante; mga kandidato kailangang sumunod sa mga regulasyon sa pangangampanya
Tinukoy ng Commission on Elections (COMELEC) ang sampung mga lalawigan sa bansa na may pinakamaraming botante.

Nangunguna rito ang Cebu na may mahigit tatlong milyong mga botante, pangalawa ang Cavite at Pangasinan na may mahigit dalawang milyong mga botante.

Pasok din sa top 10 lalawigan  na may pinakamaraming botante ang Laguna, Bulacan, Negros Occidental, Batangas, iloilo, Rizal, at Pampanga.

Samantala, mariing nagbabala ang COMELEC  sa mga kandidatong lalabag sa panuntunan sa pangangampanya.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, Kanilang papanagutin ang mga kandidatong lalabag sa regulasyon sa pangangampanya.

Sinabi nito na kanila nang pagpayagan ang ‘full-capacity’ sa mga campaign venues sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 70 por­syento naman sa mga lugar na nasa Alert Level 2.

Maaari na ring magsagawa ng aktibidad ang mga kandidato kahit na walang sertipikasyon mula sa Comelec. 

Ngunit nilinaw ng komisyoner na kailangan pa rin na kumuha ang campaign team ng permit at makipag-ugna­yan sa lokal na pamahalaan na nakakasakop ng lugar.

Tinanggal nang Comelec ang ‘mandatory­’ na pagsusuot ng face shields sa mga event habang nananatili pa rin ang pagsusuot ng face masks, social distancing,  at pagbabawal sa ‘arm-to-arm contact, selfies, at paghalik.

What's your reaction?

Facebook Conversations