PNP, aapela sa korte sa paglipat ng kustodiya kay Ps. Quiboloy at kapwa akusado
PNP, aapela sa  korte  sa paglipat ng kustodiya kay Ps. Quiboloy at kapwa akusado
Mananatili sa PNP Custodial Center si Pastor Apollo Quiboloy sa kabila ng utos ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na ilipat ng piitan ang Pastor at mga kapwa-akusado nito dahil sa usaping pang-seguridad.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Colonel Jean Fajardo na ipaalam nila sa QC RTC Branch 106 na may kautusan din ang Pasig RTC na manatili sa PNP Custodial Center si Quiboloy. 

Dudulog  aniya ang PNP sa Department of Justice para magsumite ng kaukulang mosyon sa QC RTC ngayon ding araw.

Ayon kay Fajardo, hindi ibibiyahe ng PNP si Quiboloy dahil sa security concerns. 

Itinakda ng korte sa Biyernes, Setyembre 13, alas-8:30 ng umaga ang arraignment at pre trial ng mga akusado sa pamamagitan ng video conferencing para sa kasong child at sexual abuse.

Colonel Jean Fajardo, PNP Spokesman

What's your reaction?

Facebook Conversations