Mahigpit na pagpapatupad ng Culture of Security sa boarder checkpoints papasok ng Davao City, nagpapatuloy
Mahigpit  na pagpapatupad ng Culture of Security sa boarder checkpoints papasok ng Davao City, nagpapatuloy
DAVAO CITY –Patuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng Culture of Security sa mga boarder checkpoint sa para sa mga taong papasok sa lungsod.

Ito'y matapos ang sunod-sunod na may nahuli sa checkpoints na nagtatangkang magpasok ng ilegal na droga sa lungsod at pati na rin sa paglabag sa Comelec Gun ban. 

Nitong  Lunes ng tanghali (Enero 31), nahuli sa Task Force Davao checkpoint sa Barangay Lasang ang isang 44 anyos na kinilalang si  Fernando Advincula Pusta, na mula sa  Mabini, Davao de Oro. 

Sa report ng Task Force, nakuha umano ang  sachet ng droga na pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10, 000 mula sa pag-iingat ng suspect habang papasok ito sa lungsod lulan ng kanyang sasakyan. 

Sumunod naman nito ang pagkahuli ng isang negosyante na kinilalang si Roberto  Acapulco ng Kidapawan City, Cotabato sa boarder checkpoint nito sa Barangay Sirawan. 

Nakuhaan ito ng punto 38 na revolver na nakita sa loob ng kanyang sasakyan habang papasok ito sa lungsod. 

Pinuri naman ni Task Force Davao Commander Colonel Darren E. Comia ang sipag at tiyaga ng  joint security forces sa checkpoints nito upang maprotektahan ang lungsod laban sa mga masasamang loob. 

Patuloy rin ang panawagan ni Comia sa publiko na makipagtulungan sa  security forces  para sa kaligtasan ng lahat ng mga residente at bisita na nasa loob ng lungsod.

Photos from Task Force Davao

What's your reaction?

Facebook Conversations