Libreng flu-vaccine ibinibigay ng Panabo LGU sa kanilang mga residente
Libreng flu-vaccine ibinibigay ng Panabo LGU sa kanilang mga residente
DAVAO CITY – Magbibigay ng libreng flu-vaccine ang pamahalaang lokal ng Panabo City, Davao del Norte para sa lahat ng mga residente para maiwasan ang nararanasang sakit na flu ngayong panahon.

Sa isang panayam, sinabi ni Panabo City Assistant Health Officer Dr. Eranie L. Pangilinan na kinakailangan na mabigyang dagdag na proteksyon ang bawat constituents nito lalo na't nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang buong mundo. 

Ayon kay Pangilinan na maari silang lumapit sa kani-kanilang mga Barangay Health Centers para mabigyan ng nasabing bakuna. 

Mayroon ding Pneumococcal vaccine na ibinigay para sa mga senior citizen pangontra naman sa  Pneumonia.

Dagdag nito na kailangan na wala pang sintomas ng nasabing sakit gaya ng ubo, sipon at lagnat bago magpabakuna nito. 

Hinikayat naman ni Pangilinan ang lahat ng kababayan nito kapag nakaranas na ng grabeng sintomas ang isang tao ay agad na itong magpasuri sa pinakamalapit na health center upang hindi na ito lumala pa.

What's your reaction?

Facebook Conversations