Konektadong Pinoy Act’ ni Sen. Cayetano, suportado ng business group, ibat-ibang sektor
Konektadong Pinoy Act’ ni Sen. Cayetano, suportado ng business group, ibat-ibang sektor
Nagsama-sama ang mga pangunahing business group, lider ng industriya, at ilang ahensya ng gobyerno upang suportahan ang pagsusulong ni Senador Alan Peter Cayetano ng "Konektadong Pinoy Act."

Nagpahayag ng suporta ang mga pangunahing organisasyon tulad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Philippine Exporters Confederation, Inc. (PHILEXPORT), Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Joint Foreign Chambers (JFC), at iba pa para sa panukalang ito (Senate Bill No. 2699) na magpapabuti sa internet service sa bansa at magpapalago ng ekonomiya.

 Sa isang Facebook post nitong August 16, 2024, sinabi ni PHILEXPORT President at Chief Executive Officer Dr. Sergio Ortiz-Luis Jr. na kapag naisabatas na ang panukala, “it will provide a reliable and secure internet that will help exporters access modern technologies and participate in international trade."

 Nagpahayag din ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) at binigyang-diin ang kahalagahan ng human rights-based approach sa digital transformation. Ayon sa ahensya, mahalaga ang information and communication technologies (ICTs) sa pagpapaunlad ng politikal at aspetong panlipunang nito sa buong mundo.

 Bilang Senate Committee Chair ng Science and Technology, nagbigay ng sponsorship speech ang senador noong August 5, 2024 kung saan hinimok niya ang mga kapwa senador na bigyan ng prayoridad ang panukalang ito, dahil hindi dapat maiwan ang bansa pagdating sa accessibility sa internet.

 “Once magawa natin ito, we will really see the difference of having reliable and affordable connections in Luzon, Visayas, and Mindanao," wika niya.

 "Sa lahat ng nag-contribute sa bill na ito, sa lahat ng authors, all the NGOs, all the advocacy groups, I look forward to discussing this bill. Hopefully, itong August matapos natin," dagdag niya.

Itinalagang prayoridad ang “Konektadong Pinoy Act” sa ika-5 Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting noong June 25, 2024. Binigyang-diin din ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na isa ito sa anim na mahahalagang panukalang batas na kailangang maipasa, dahil mahalaga ito para sa pambansang pag-unlad.

 Layunin ng “Konektadong Pinoy Act” na i-update ang mga lumang panukala hinggil sa internet connectivity sa Pilipinas para gawin itong mas mura, mabilis, at mas abot kaya.

 Iniuugnay din ni Cayetano ang panukalang batas sa pagsulong ng epektibong e-governance ng bansa at sinabi na mahalaga ang pagkakaroon ng mas magandang internet connectivity upang mapabilis ang serbisyo ng gobyerno at mabawasan ang posibilidad ng korapsyon.

“The use of present technology affords the government the opportunity to bring itself and its services closer to the people,” sabi niya.

 “We therefore must modernize our digital infrastructure to ensure that all Filipinos have access to, and the use of, affordable, quality, and up-to-date information and communication technologies," dagdag niya.=#

What's your reaction?

Facebook Conversations