Eastern Mindanao Command , may bago ng commander
Eastern Mindanao Command , may bago ng commander
May bago ng kumander ang Eastern Mindanao Command (EastMinCom) matapos itong pormal na iniluklok sa pwesto ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner si Major General Luis Rex Bergante.

Sa Change of Command Ceremony sa Panacan  Davao City araw ng Biyernes, Hunyo 7 pinalitan ni Major General Bergante si Major General Jose Maria Cuerpo II na nanungkulan bilang Acting EASTMINCOM Chief kasunod ng pagreretiro ni Lieutenant General Greg Almerol noong Mayo 31.

Si Bergante ang dating Commander ng Training and Doctrine Command ng Philippine Army, at dati ring nanungkulan bilang Assistant Division Commander ng  7th Infantry “Kaugnay” Division, at naging  commander ng 1001st Infantry Brigade ng 10th Infantry “Agila” Division na nakabase sa Mawab, Davao de Oro.

Nagpahayag ng kumpyansa si Brawner na dahil sa malakas na eksperyensa at mahusay na “team” ni Bergante, ay malalampasan nito ang lahat ng hamon ng kanyang bagong tungkukin na may “flying colors”.

Larawan mula kay SSg Ambay/PAOAFP

What's your reaction?

Facebook Conversations