
views
Ito ang inihayag ni DTI 11 Maria Belenda Ambi kung saan sinabi nito na ang pag-rehistro ng kanilang pangalan ng establisyemento ay unang hakbang pa lang para sa pagnenegosyo.
Ayon kay Ambi na layunin lang ng Business Name Registration na matala ang nais na pangalan ng negosyo lalo na yung mga sole ownership establishments.
Pero, paliwanag nito na kahit pa nakarehistro na ang pangalan nito sa DTI, hindi pa rin ito pwede magsagawa ng transaksyon dahil kinakailangan pa rin nitong kumuha ng permit sa kani-kanilang local government units.
Dagdag nito na ang Business Name Registration ay isa lang sa mga rekesitos para makakuha ng business permit sa mga LGU na may limang taon na validity.
Nilinaw din nito na hindi rin agad maaprubahan ang pagpaparehistro ng pangalan dahil dadaan pa ito da beripiskasyon kung may kaparehas ba ng pangalan sa loob ng rehiyon.

Facebook Conversations