DILG, PNP kinasuhan ni dating Pangulong Duterte
DILG, PNP kinasuhan ni dating Pangulong Duterte
Patong-patong na kaso ang kakaharapin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil dahil sa operasyon sa pagpapatupad ng arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy at apat na iba pa.

Ito mismo ang sinabi ni Marbil at Abalos sa press conference sa Camp Crame Lunes, Setyembre 9.

Kabilang sa mga kasong isinampa ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang: Violation of Domicile, Interruption of religious worship, offending the religious feelings, grave threat at conduct unbecoming of a public officer. 

Maliban dito, nagsampa din si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumatayong administrador ng KOJC, ng 2 counts ng Malicious mischief kina Abalos, Marbil at ilan pang police officials dahil sa pagkasira ng ari-arian sa loob ng compound. 

Ayon kay Abalos, parte  lang ito ng kanilang trabaho at kanila itong haharapin sa hukuman.

What's your reaction?

Facebook Conversations