views
Sa virtual press conference ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ng tagapagsalita ng AFP Colonel Medel Aguilar ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ito ang kanilang nakikita bilang bahagi ng mapayapang solusyon upang tuluyang mawakasan ang insurhensa sa bansa.
Sa kasalukuyan, ayon kay Aguilar, 1,800 nalang ang natitirang miyembro ng NPA mula sa 24 na libo noong dekada 80.
Anya, nakamit na ng AFP ang “strategic victory” laban sa mga teroristang komunista. Sa ngayon, nagi-isang aktibong NPA Guerilla front na lamang na nag-ooperate sa Northern Samar.
Dagdag ng opisyal, para makamit ang Total Victory, kinakailangang buwagin ang politico-military structure ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) upang mawalan ito ng kakayahang makapaghasik ng kaguluhan sa mga komunidad.
Facebook Conversations