views
Aypn kay PNP Deputy Chief for Operations Lieutenant General Michael John Dubria ang mga lugar na ito ay isasailalim sa “red category” o “areas of grave concern”.
Ang red category ang pinakamataas na antas kasunod ng orange, yellow at green sa klasipikasyon ng sitwasyong-panseguridad ng PNP para sa BSKE.
Habang nasa 37,683 lugar sa bansa ang inilagay sa green category na generally peaceful and orderly. Hindi ito itinuturing na security concern.
4,085 naman ang nasa yellow category na kunsaan ang mga lugar na ito ay may kasaysayan ng karahasan sa nakaraang mga eleksyon.
Habang 232 lugar ang nasa orange category na pangalawang pinakamataas at itinuturing na area of immediate concern dahil sa seryosong armadong banta.
Samantala, nais alamnin ng PNP ang mga tauhan nito na may kamag-anak na tatakbo sa BSKE sa Oktubre.
Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ang magiging batayan ng gagawin nilang re-assignment ng mga naturang pulis bago ang eleksyon.
Ito umano ay para masiguro na hindi masasangkot sa “partisan politics” ang mga tauhan ng PNP.
Ang filing ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa BSKE ay mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.
Facebook Conversations