2 tirador ng NPA, patay sa palitan ng putok
2 tirador ng NPA, patay sa palitan ng putok
Patay ang dalawang notorious na hitmen ng New People’s Army (NPA) matapos ang tangkang pag-atake ng mga ito sa mga pulis na naka-mando sa Daraga Police Assistance Center sa Brgy Bascaran, Daraga, Albay Martes, Oktubre 3.

Batay sa ulat ni Area Police Command-Southern Luzon Director Police Lieutenant General Rhoderick Armamento kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. , nakilala ang mga nasawing suspek na sina Elizaldy "Zandro" Perdigon at Allan Leron, na parehong wanted.

Sangkot umano ang mga suspek sa pagpatay sa mga pulis na sina Staff Sergeant Abel Sevilla at retired Police Colonel Ramiro Bausa, at mga sundalong sina Private John Paul Adalim at Private Mark June Esico.

Ang dalawa rin ang itinurong suspek na sangkot sa panununog sa heavy equipment sa Albay kamakailan.

Narekober sa mga nasawi ang 2 pistol at 1 long firearm.

Mas lalo pang pinaigting ng mga pulis at militar ang mga checkpoint sa lalawigan habang patuloy ang kanilang hot pursuit operation sa mga kasamahan ng dalawa.

Larawan mula sa PNP

What's your reaction?

Facebook Conversations