P225K halaga ng suspected shabu, nasakote sa operasyon ng PDEA 11, Davao Oriental Police,CIDG
P225K halaga ng suspected shabu, nasakote sa operasyon ng  PDEA 11, Davao Oriental Police,CIDG
DAVAO CITY - Nakumpiska ang aabot sa P225,000 na halaga ng ilegal na droga sa inilunsad na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional 11 (PDEA 11) sa pakikipagtulungan nito sa Davao Oriental Police Provincial Office at Criminal Investigation and Detection Group sa isang drug suspect sa bayan ng Manay, Davao madaling araw ng Enero 27.

Sa report ng PDEA 11, nakasaad dito na isisilbi ng mga operatiba ang search warrant sa bahay ng pinaghihinalaang si Terence Bill Silveron sa bahay nito sa Barangay Central sa nasabing bayan bandang 4:15 ng madaling araw. 

Kinilala si Provincial Target Listed Drug Personality Number 5 sa buong Davao Oriental. 

Pero, nang dumating ang mga awtoridad ay nakatakas ang target ng nasabin operasyon kaya ang kinakasama na lang nito na si Genevieve Duay ang naaresto matapos itong makunan ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P15, 000. 

Sa paghalughog ng operatiba sa bahay ni Silveron nakuha ang iba pang anim na sachet ng shabu na tumitimbang ng 14 gramo kung saan nagkakahalaga ito ng P210, 000.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng awtoridad laban sa mga suspect.

Photo from PDEA 11

What's your reaction?

Facebook Conversations