MinDA bibisitahin muli ang mga lugar na tinamaan ni Bagyong Odette sa Caraga Region
MinDA bibisitahin muli ang mga lugar na tinamaan ni Bagyong Odette sa Caraga Region
DAVAO CITY — Naktakdang bisitahin ni Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Maria Belen Sunga Acosta ang mga lugar sa Caraga Region na hinagupit ni Bagyong Odette nitong nakaraang Disyembre.

Sa inilabas na pahayag ng ahensya, magsasagawa ng ground monitoring and inspection na may kaugnayan sa Odette-related recovery effort para sa mga apektadong komunidad at residente Siargao at Dinagat Islands sa Surigao del Norte maging sa Butuan City, Agusan del Norte. 

Isa rin sa gagawin sa nasabing pagbisita ang iba pa nitong focused intervention na tugon sa local coconut at vegetable industries para sa mga magsasaka ng mga nabanggit na lugar. 

Nagtakda na rin ang MinDA ng isang technical partnership meeting kasama ang Department of Agriculture para sa iba't - ibang Mindanao-related agricultural development programs at projects gaya ng Philippine Rural Development Project (PRDP), Mindanao Inclusive Agricultural Development Project (MIADP), Special Area for Agricultural Development (SAAD) at iba pa.

Photo from Mindanao Development Authority 

What's your reaction?

Facebook Conversations