146
views
views
DAVAO CITY – Magpapatuloy pa rin ang bakunahan kontra COVID-19 ang pamahalaang lokal sa Tagum City, Davao del Norte kahit pa natatapos na ang tatlong araw na nationwide Bayanihan Bakunahan.
Ito ang inihayag ni Tagum City Health Officer Dr. Arnel Florendo sa kanyang Facebook post.
Ayon kay Florendo na magpapatuloy sila sa pagtuturok ng first dose ng bakuna sa kanilang may supply pa ito.
Sinabi ng opisyal na para sa interesado na mga indibidwal ay lalapit lang sila kani-kanilang barangay health stations para magpalista.
" Ayaw mo kabalaka. Magpadayon ta ug pangbakuna hangtod ma-lukop tanan interesado. Hangtod sunod tuig ni. I guarantee!" wika ni Florendo.
Sa nakalipas na Bayanihan Bakunahan na nagsimula noong Nobyembre 29 , nagtala ang Tagum City 35,486 na mga indibidwal na nabakunahan.
Sa ngayon nasa 137,883 na mga residente na ng lungsod nakakuha ng unang dose habang 75,821 na ang naka kompleto ng dalawang dose.
Facebook Conversations