Cayetano: Impeachment verdict dapat maging katanggap-tanggap sa taumbayan

Binigyang-diin ni Senator-judge Alan Peter Cayetano ang kahalagahan ng patas na paglilitis sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, upang matiyak na ang magiging desisyon ng Senado ay katanggap-tanggap sa publiko.

Ayon kay Cayetano, anuman ang maging resulta ng impeachment trial, mahalagang makita ng taumbayan na ang hatol ay bunga ng isang makatarungang proseso.

Dahil dito, iginiit niya na dapat bigyan ng Senate Impeachment Court ang prosecution at defense ng sapat na pagkakataong maiharap ang kanilang mga ebidensya kaugnay ng lahat ng Articles of Impeachment.

Ipinahayag ni Cayetano ang kanyang punto sa pamamagitan ng isang interjection sa ika-44 na araw ng impeachment trial kay Duterte nitong Huwebes, Nobyembre 19.

Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng pagbibigay ng patas na pagkakataon sa magkabilang panig upang mapanatili ang kredibilidad at pagtanggap ng publiko sa magiging hatol ng impeachment court.

📸 Senator Alan Peter Cayetano