Sa kanyang mensahe sa Facebook ngayong Oktubre 30, hiniling ni Duterte ang kapayapaang walang hanggan para sa mga biktima at ang kanilang walang hanggang kapahingahan sa piling ng Diyos.
Hiniling din ng bise presidente ang gabay ng Panginoon para sa mga Pilipinong patuloy na dumaranas ng kahirapan at iba’t ibang pagsubok sa buhay.
Umaasa siyang pagkakalooban ang mga ito ng lakas at pag-asa upang harapin ang kanilang mga pinagdaraanan.
Kasabay nito, hinikayat din ni Duterte ang pag-alala at pagdarasal para sa mga yumaong mahal sa buhay sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
📸 Inday Sara Duterte FB