Sa kanyang pahayag ngayong Setyembre 14, sinabi ni Duterte na ang halalan ay isang makasaysayang hakbang tungo sa sariling pamamahala, kapayapaan, at inklusibong pag-unlad ng mga Bangsamoro.
Hinikayat din ng bise presidente ang mga botante na gamitin nang responsable ang kanilang karapatang bumoto at pumili ng mga lider na tunay na maglilingkod para sa mabuting pamamahala at kapakanan ng rehiyon.
Umaasa si Duterte na higit pang mapatatatag ng halalan ang demokrasya, kapayapaan, at pagkakaisa sa BARMM.
Vice President Sara Duterte