Sa mensaheng ipinadala ni 10th Infantry Division Public Affairs Officer Capt. Mark Tito, sinabi nito na mapapasailalim na sa pamumuno ang nasabing Battalion sa 8th Infantry Division.
Ayon kay Tito, sa anim na taon na pamamalagi nito sa ilalim ng 10th ID, malaki ang naging tulong nito para ipagtanggol ang Distrito ng Paquibato sa Davao City na dating may malakas na impluwensya ng NPA.
Sa loob din ng anim na taon mula 2016, marami na ring NPA Guerilla Fronts ang nabuwag ng nasabing tropa gaya na lang ng Guerilla Front 54 nitong 2018, Pulang Bagani Command 2 at 3 sa 2019, at Guerilla Front 56 nitong 2020.
Nitong nakaraan linggo din nabuwag ng nasabing tropa ang tinaguriang matinik Sub-Regional Committee 5 ng Southern Mindanao Regional Committee.
Sa isang pahayag, sinabi mi 10th ID Acting Division Commander Brig. Gen. Allan Hambala na ang paglipat ng 3rd IB sa ibang lugar ay senyales na papatapos na ang problema ng insurhensiya sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Photo from 10th ID Public Affairs Office