1003rd Brigade, patuloy sa pagsuyo sa mga natitirang NPA sa kabila ng pagkabuwag ng SRC 5

DAVAO CITY - Patuloy pa rin ang pagsuyod ng mga tropa ng 1003rd Infantry Brigade sa mga natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagtatago sa bulubunduking bahagi ng Davao City, Davao del Norte, Bukidnon at North Cotabato.

Ito'y sa kabila ng pagkabuwag ng isa sa pinakamalakas na Sub-Regional Committee 5 (SRC 5) na pinamumunuan ni Ka Mandy.

Inihayag ni 1003rd Brigade Commander Col. Consolito Yecla na kakaunti na lang ang mga miyembro ng NPA na nagtatago sa mga komunidad ng kanilang areas of responsibility.

Ayon kay Yecla na kahit wala na itong pwersa para magsagawa ng pag atake pero, hindi sila titigil hangga't hindi ito nahuhuli o mapapsuko.

Dagdag ng opisyal na sinusunod lang nila ang direktiba ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Andres Centino ma tapusin ang mga NPA bago pa bumaba sa kanyang termino si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya, panawagan ni Yecla sa mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko na lang para makabalik na ang mga ito sa mapayapang pamumuhay.

Photo from 1003rd Raptor Brigade