Sa mensaheng ipinadala ni Task Force Public Information Officer Capt. John Louie Dema-ala, kinilala ang mga suspek na sina John Deu C. Castaño, 29 anyos at residente ng Koronadal City, South Cotabato at Clyde Harvey Depasucat, 31 na taga Maramag, Bukidnon.
Ayon kay Dema-ala na aresto sa magkahiwalay na insidente sina Castaño at Depasucat.
Nasakote si Castaño bandang alas 7 ng umaga habang sakay ito sa kanyang kotse habang papasok ng Lasang checkpoint sa Bunawang District kung saan nakuhaan ito ng isang maliit na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360.
Samantala bandang alas 10 ng umaga nahuli naman si Depasucat lulan ng isa public utility van kung saan nakuhaan ito ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,428.
Agad naman dinala ang mga nahuli sa Bunawan Police Station kung saan nakatakda itong sampahan ng kaso na paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Photos from Task Force Davao