15M solo parents, inaasahang makikinabang sa batas na magbibigay dagdag benepisyo sa kanila

Niratipikahan na ng Kongreso ang report ng bicameral conference committee ukol sa House Bill 8097 at Senate Bill 1411 na layong mabigyan ng dagdag na benepisyo ang mga solo parents.

Inaasahan na makikinabang sa batas na ito ang 15 milyong solo parents sa buong bansa sa oras na malagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa dagdag benepisyo ang “full scholarship” para sa solo parent at kanyang anak; at social safety assistance kapag may kalamidad o pandemya.

Bahagi rin ng dagdag benepisyo para sa mga solo parents ay ang otomatikong masasakop ng National Health Insurance Program ang mga ito at ang P1,000 buwanang subsidiya mula sa lokal na pamahalaan para sa solo parents na “minimum wage earners.”

Maliban dito, salig din sa panukalang batas ang pagkakaroon ng 10% discount at exemption ng Value Added Tax (VAT)  sa gatas ng bata, food and supplements, diaper, ilang mga gamot, bakuna, at iba pa para sa mga solo parents na kumikita ng hindi bababa sa P250,000 kada taon.