Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 1,571 kumpara sa naitala kahapon na 31,173.
Dahil dito, umabot na sa 3,357,033 ang mga dinapuan ng sakit na COVID sa buong Pilipinas.
Naitala naman ngayong araw ang positivity rate na 44.0% mula naman sa 75,335 na sumalang sa testing o pagsusuri.
Dahil sa dagdag na kaso ngayong araw, umakyat na sa 291,618 ang mga aktibong kaso o patuloy pang nagpapagaling.
Mayroon ring 16,385 ang mga gumaling ngayong araw, na kung saan naitala ng DOH ang 3,012,156 total recoveries sa buong bansa.
Habang 156 ang naidagdag sa mga nasawi ngayong araw na mas mataas sa 110 na mga pumanaw kahapon.
Sa kabuuan, mayroon ng 53,309 katao ang nasawi sa buong bansa mula ng magsimula ang pandemya.