Sa report ng PDEA 11, inilunsad ang buy-bust operation bandang alas 11:00 kagabi kung saan nahuli ang target nitong drug suspect na kinilalang si John Eric Tacderan, 30 anyos, sa kanyang bahay sa Purok Centro Santolan, Barangay Tres de Mayo.
Nakuha sa pag-iingat ni Tacderan ang isang sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P 15,000.
Nang halughugin ang bahay nito na aktohan ang iba pang apat ka tao na bumabatak ng nasabing illegal na droga na kinlalang sina Genevieve Castro, Armando Elesterio, Joemel Fabroa at Charles Bone Lagrama na dinampot din ng awtoridad.
Nakuha mula sa bahay ang iba pang anim na sachet ng shabu na may timbang na 14 na gramo na nagkakahalaga ng nasa lampas P200, 000.
Ayon sa PDEA 11 na tinaguriang Provincial Target Listed Drug Personality Number 4 si Tacderan sa buong Davao del Sur.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga nahuling suspect.
Photos from PDEA 11