Ayon kay Yuri Lim, hepe ng Law Enforcement Division ng LTO 11 sa ginanap na Davao Peace and Security Press Corps briefing sa The Royal Mandaya Hotel kamakailan, magkakaroon sila ng opisina sa Bansalan sa Davao del Sur; Laak sa Davao de Oro; at dalawang opisina sa Lupon at Bagangga sa Davao Oriental.
“Inaayos na iyong facilities, yong building. Hopefully by mid this year or third quarter of this year, fully operational na ito, itong apat na ofices,” ayon kay Lim.
Maliban sa apat, maglalagay din ng extention office ang LTO sa Pantukan sa Davao de Oro at isa sa Sasa sa Davao City.
Dagdag ni Lim, sa nakaraang linggo, na-inspect na ng technical working group mula sa kanilang central office ang opisina sa Pantukan at Sasa extention office.
“Malaking bagay itong extention offices to maximize the services of the agency sa mga kababayan natin na malayo na sa sentro,” pahayag ni Lim.
Ang LTO 11 sa kasalukuyan at mayroong extention office sa Calinan sa Davao City na ‘fully operational’ na simula pa noong September sa nakaraang taon.
“Kung ano ang serbisyo ng District LTO, the same services po ang i-ooffer ng extention office like application of student permit, drivers education center, registration of vehicles, application of new drivers license, and eventually law enforcement will come in,” dagdag ni Lim.