Ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) Colonel Roderick Augustus Alba, naglabas na ng all-Points bulletin ang kapulisan sa lahat ng PNP Units sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan para sa pagdakip sa mga pugante.
Kinilala ang mga ito na sina Drakilou Yosores na nakulong dahil Roberry with Homicide; Arwin Bio, kombiktado sa Frustrated Murder; at Pacific Villaruz, convicted para sa Frustrated Homicide, Attempted Homicide at Illegal Drug use.
Ayon kay Alba, maaaring arestuhin ang tatlo kahit na walang warrant of arrest kung sila ay makita. Ito ay dahil nagsisilbi ma sila ng kanilang sentensya.
Kinokonsidera ng PNP ang mga puganteng ito na “Armed and dangerous”.
Nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na i-report kung kanilang mamataan ang mga ito, sa BUCOR sa teleponong 09186001081 o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.
Una nang sinabi ni BuCor Spokesman Gabriel Chaclag, tatlong jail guards at isang inmate ang sugatan matapos mamaril ang mga suspek habang tumatakas.
Larawan: PNP