Una nang inaprubahan ng Office of the President ang nabanggit na proyekto bilang bahagi ng Horizon 2 Priority Projects nuong 2020.
Ayon kay Lorenzana, ang shore-based anti-ship missile project na nagkakahalaga ng 375 milyong dollars ay bibilhin ng pamahalaan mula sa BrahMos Aerospace Private Ltd. ng India.
Dagdag nito na nakipag-negotiate ang gobyerno ng Pilipinas sa India para mapasama sa delivery ang tatlong batteries, ang pagsasanay ng mga operators at maintainers, gayundin ang Integrated Logistics Support (ILS) package.
Naniniwala si Lorenzana na ang bagong strategic Defense system na ipapamahala sa Coastal Defense Regiment ng Philippine Marines, ay malaking “boost” sa Defense capability ng Pilipinas.
Anya, ang BrahMos cruise missile ay maaaring i-launch sa pamamagitan ng barko, aircraft, submarine, o sa kalupaan.
Mayroon din itong kakayahan na magdala ng warheads na may bigat na 200 hanggang 300 kilograms, ayon sa kalihim.
May flight range umano ito na aabot hanggang 290 kilometro na supersonic speed.