Inihain ng dalawa ang libel at cyber libel complaint sa tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Pasay City Lunes ng umaga, Marso 9.
Nagsampa din sina De Lima at Villanueva ng perjury complaint sa Department of Justice laban sa mga dating sundalo.
Tinawag ni De Lima na ‘politically motivated’ ang alegasyon ng ex-Marines na naglalayong ilihis ang atensyon ng publiko.
Naniwala si De Lima na may kaugnayan ito ss kanyang papel sa mga pagdinig ng House Justice panel tungkol sa impeachment complaints laban kay VP Sara Duterte.
Matatandaang sa affidavit ng ex-Marines, nag-deliver umano sila ng pera kay De Lima, Villanueva at iba pa mula kay resigned Congressman Zaldy Co.
Nauna nang inamin ni Baligod na nagkaroon ng ‘oversight’ sa paglalagay sa pangalan ni De Lima sa listahan ng mga tumanggap umano ng kickbacks mula flood control projects.
Giit din ni Baligod na kanyang isinama si De Lima sa listahan dahil present umano ito sa mga meetings kung saan binigyan siya ng isang paper bag na naglalaman ng pera.