Sinabi ni Davao Region Police Brigadier General Leon Victor Rosete na walang planong maghasik ng terorismo ang mag-amang Sajib Akram, 50, at Naveed, 24 habang nandito sa Davao Region batay umano sa mga nakalap nilang impormasyon at sa kanilang pag-imbestiga pati na sa mga cellphones na kanilang na-recover.
Matatandaang naka-check sa isang hotel sa Davao City ang mag-amang suspek ilang linggo bago nangyari ang malagim na trahedya sa Bondi Beach noong Disyembre 14 na kumitil ng kinse katao.
Ayon kay Rosete, naibigay na nila ang lahat na impormasyon na kanilang nakuha sa Australian Authorities.
Dagdag ni Rosete na baka nga magkaroon ng training ang nabanggit na mag-ama sa Pilipinas pero hindi ito nangyari batay na din sa impormasyon na hindi ito masyadong lumalabas ng hotel.
Sugatan sa nasabing pamamaril si Naveed habang si Sajid ay namatay matapos makipagbarilan sa mga pulis.
March 5, 2026