COMELEC 11 sa mga media agencies sa Davao Region: I-Report ang lahat ng political campaign materials na kanilang inilalabas

DAVAO CITY – Nagpapaalala ang Commission on Election 11 (Comelec 11) sa lahat ng news agencies sa rehiyon na i-report sa kanilang tanggapan ang lahat ng campaign advertisements o materials na na-ere o nalathala sa mga stasyon ng telebisyon, radyo, diyaryo at maging sa digital news.

Sa isinagawang virtual AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Briefing, inihayag ni Comelec 11 assistant regional director Atty. Gay Enumerables na base sa resolusyon ng kanilang central office, obligado ana magpasa ang nasabing news agencies upang ma monitor nito ang expenditures at oras ng bawat kandidato.

Ayon kay Enumerables na maaring maparusahan ang sinumang hindi makakasunod sa nasabing regulasyon ng Comelec.

Paliwanag nito na lahat ng mga news agencies ay nabigyan ng kopya ng resolusyon ng nasabing patakaran para sa campaign pagpapalabas ng campaign advertisements.

Pero, nilinaw naman ng opisyal na para lang ito sa panahon ng campaign period.