Warden ng Bureau of Immigration, nagbitiw; 2 Deputy sinibak

Nagbitiw sa puwesto ang warden habang tinanggal naman sa pwesto ang dalawang deputy na nakatalaga sa Bureau of Immigration detention center kung saan nakulong ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy.

Ito ang Inanunsyo ni Palace Press Officer Undersecretary  Claire Castro sa press briefing ngayong Lunes, January 26, 2026.

Matatandaang isiniwalat  ni Zdorovetskiy na bitbit umano niya ang kaniyang cellphone habang nasa bilangguan at sinabing “money talks” kaya naipasok ang cellphone.

Ayon kay Castro, kasado na ang imbestigasyon ukol sa sinasabing pagpasok at paggamit ng mga bilanggo ng cellphone habang nasa piitan.

Usec Claire Castro