Nakilala ang biktima na si Ustadz Hassim Subo na residente ng bagong tatag na Kadayangan Municipality na sakop ng Bangsamoro Government, hindi kalayuan sa sentro ng Midsayap.
Sakay ng kanyang motorsiklo si Subo ng tambangan ng armadong kalalakihan.
Mabilis na tumakas ang mga salarin gamit ang motorsiklo na ginamit bilang getaway car.
Si Subo ay sinasabing guro nang isang Islamic school sa kanilang bayan, ayon sa pahayag ng kanyang mga kamag-anak at mga local executives sa Midsayap.