DTI, nagbabala sa pagbebenta ng physical at online selling ng self test kits

Ipinaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala pang sertisipikasyon ang mga self test kits mula sa Food and Drug Administration (FDA) bilang mga produkto na maaari ng ibenta sa merkado.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan na wala pang Suggested Retail Price (SRP) ang nasabing item kayat bawal itong ibenta, sa tindahan man o sa pamamagitan ng online selling.

Kinumpirma ng opisyal na pinag-aralan na ito ng FDA na siyang sumusuri sa mga  nag a-.apply ng certificate of product registration.

Ayon  kay Cabochan na magkasama ang DTI at DOH  na nag-iinspeksyon  sa mga online sellers at may team  na  nakatutok para dito.

Binalaan  din ng  DTI ang mga ospital at laboratoryo na nagsasagawa ng RT- PCR test na sumisingil ng lampas sa itinakdang SRP na maaari itong  maparusahan kapag napatunyang nag o - overprice.

Samantala, inamin ni Testing czar at Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon na hindi kakayanin ng resources ng pamahalaan na magsagawa ng malawakan at libreng mass testing.

Ayon sa kanya,  impraktikal na itoy gawin at hindi kailanman maaaring maging polisiya ito ng pamahalaan.

Ito ang binigyang diin ni Dizon sa gitna ng hirit ng ibang mamababatas na dapat ikasa ang free mass testing.

Halimbawa na lang ayon kay Dizon, may 100,000 katao kada araw na sasalang sa COVID-19 test at ilagay sa P2,000 ang halaga ng bawat isa, lalabas na gugugol ang gobyerno ng P200 million kada araw.

Lalabas na sa  loob ng sampung araw, aabot sa P2 billion ang gagastusin ng gobyerno  sa libre at malawakang swab test.

Ang ipinatutupad  ng pamahalaan, ayon kay Dizon  ay risk-based  testing na kung saan prayoridad ang mga seniors, mga may sakit,  at  mga may indibidwal na may sintomas.

Secretary Vince Dizon. Larawan mula sa Philippine News Agency