Mandatory drug test sa lahat ng opisyal at empleyado ng Santo Tomas LGU, isinusulong ni Evangelista

DAVAO CITY – Ipinanukala ni Santo Tomas, Davao del Norte Mayor Ernesto Evangelista sa kanilang Sangguniang Bayan ang isang ordinansa na gawing mandatory ang drug test para sa mga halal na opisyales ng Barangay at ng lokal na pamahalaan kabilang rin ang mga empleyado.

Ito'y para maipakita ang mahigpit na supporta sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal na droga at balangkasin ang iba’t ibang responsibilidad ng lahat ng opisina sa laban dito. 

“Akong ginaduso ang ordinansa na mahimong compulsory ang drug-test para sa mga Kapitan, opisyales ug empleyado sa barangay ug municipal government units aron atong mapakita ang hugot ug seryosong implementasyon sa maong programa, ” ani Evangelista. 

Ayon kay Evangelista, walang rason na dapat tutulan ang nasabing panukalang batas kung wala namang tinatago ang mga personalidad na isasailalim sa mandatory drug test. 

Sa pamamagitan ng isang ordinansa, matutugunan ang lahat ng aspeto ng laban sa illegal na druga—mula sa Enforcement, Adbokasiya, Hustisya, Rehabilitasyon, hanggang Reintegrasyon.