Evangelista, hinamon ang Sangguniang Bayan ng Santo Tomas na gumawa ng ordinansa para sa mga Tomasino

DAVAO CITY – Nanawagan si Santo Tomas, Davao del Norte Mayor Ernesto Evangelista sa miyembro ng kanilang Sangguniang Bayan na gumawa ng batas para sa kapakanan ng maliliit na banana growers at banana plantation workers.

Sa kanyang talumpati para sa unang session ng konseho nitong Lunes, sinabi ni Evangelista na dapat mabigyan ayuda ang nasabing sektor dahil isa ang banana industry ang lubhang naging apektado ng COVID-19 pandemic buhat ng tumigil ang pag-angkat ng sa saging ng mga malalaking bansa. 

"Karong tuig 2022, ginahagit ko kamo tanang magbabalaud sa Sangguniang Bayan nga hatagan nato og AKSYON ug PAGTAGAD ang mga isyung naghatag og dugang nga kalisod sa atong katawhang," hamon ni Evangelista sa mga konsehal. 

Ayon sa alkalde kasali na rin sa kanyang panukala ang paggawa ng ordinansa para i-regulate ang pagtaas presyo ng farm inputs at iba pang agricultural commodities sa panahon ng pandemya. 

Ipinanukala rin ni Evangelista ang batas na titigil sa patuloy na pagbebenta ng mga raw lot at pagbibigay ng kaukulang parusa sa mga illegal na real estate developers. 

"Una, ang pagpanday og balaud para sa pagpakgang sa manipulasyon sa presyo ug monopolyo sa industriya sa saging, paghatag og benepisyo sa mga banana growers ug mga plantation workers, maghatag kasolbaran sa isyu sa farm inputs ug agricultural commodities, illegal na pagpamaligya og mga raw lots, ug patagad sa nagpadayong pagsaka sa kaso sa rabies sa atong lungsod," paglalahad ng alkalde.