Pagpapahaba ng termino ng Pangulo, House members, at local officials, itinutulak

Itinutulak ngayon sa pamamagitan ng isang panukalang batas ni Pampanga Congressman Aurelio Gonzales na pahabain pa ang termino ng Pangulo, kongresista, at local officials tulad ng governors, mayors, at iba pang provincial, city at town officials.

Sa inihain nitong resolusyon ng dalawang kapulungan ng kongreso, hinihimok nito ang Senado at Kamara na mag-convene bilang constituent assembly upang ikonsidera ang naturang constitutional amendments.

Nais ni Gonzales na magkakaroon ng amyenda sa limang taong termino na may isang re-election o kabuuang sampung taon para sa presidente.

Ipinaliwanag ng mambabatas na masyadong maikli ang anim na taong pamumuno ng isang presidente lalo na kung nahaharap ito sa krisis tulad na lamang ng COVID-19 pandemic ngayon.

Anya, sa oras na matapos ang termino ng pangulo  ay hindi naman ito maaaring tumakbo sa anomang elective post.

Kanilang na rin dito ang limang  taon na may re-election ang panukalang termino para sa bise-presidente na iluluklok sa pamamagitan ng tandem voting.

Anya, oras na manalo ang isang presidente ay otomatiko ring panalo ang katambal nitong vice presidential candidate.

Ito rin ang mungkahi ni Gonzalez na termino para sa mga kongresista, gobernador at city o town mayor.

Ayon sa kanya, hindi kasali sa kanyang panukala ang mga senador at barangay officials.