Kinilala ang suspek na si Johnny Arayan, 40 taong gulang.
Lumabas sa imbestigasyon ng Mawab Municipal Police Station, nag away umano ang mag asawa dahil sa selos.
Nasa loob umano ng bahay ang lasing na mister nang buhusan niya ng gasolina ang kanilang bahay.
Mabilis namang nakahingi ng saklolo ang misis na si Anna Marie Arayan at agad ding naapula ng kabumberuhan ang apoy.
Hindi na naisalba ng buhay ang suspek/biktima dahil sa tindi ng sunog. (edith Isidro)