AFP chief of staff General Centino, positibo sa COVID-19

Naka-confine ngayon sa isolation facility ang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma  ni AFP Spokesman Colonel Ramon Zagala na positibo sa virus matapos na lumabas ngayong umaga ang resulta ng RT-PCR test ni Centino. 

Ayon kay Zagala na kahit naka-quarantine sa Kampo Aguinaldo si Centino, patuloy pa rin nitong ginagampanan ang kanyang tungkulin. 

Kasabay nito muling pinagsabihan ng hepe ng AFP ang lahat ng miyembro ng Sandatahang lakas na palagiang sundin ang health at safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sinabi ni Centino patuloy  na isinusulong ng Sandatahang Lakas ang pagkakaroon ng  matatag na  hanay mula sa banta ng COVID-19 upang mas epektibong magampanan ang kanilang trabaho.