Pinsala ni Odette sa sektor ng agrikultura, higit P11-B na: DA

Pumalo na sa P11.1 billion ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura sa 11 rehiyon sa bansa na hinagupit ng bagyong Odette .

Sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture, kabilang sa mga nasalanta at nakaranas ng pagkalugi ay ang mga pananim,pangisdaan,mga makinarya, at imprastraktura sa  agrikultura.

Tumaas na rin sa  389,316   ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda na  naapektuhan. 

Habang nasa 252,956 metric tons na ang production loss mula sa  420,465 ektarya ng agricultural areas matapos manalasa ang bagyong Odette.

Ayon sa ahensya, hindi pa pinal ang mga nakuhang datos at inaasahang lulubo  pa ang halaga ng pinsala.