Ang nasabing bilang ay mas mataas ng halos pitong libo kumpara sa naitala kahapon (Enero 5) na 10,775.
Na-rehistro din ngayong araw sa 36.9 percent ang positivity-rate mula sa sumalang sa testing na 59,847
Dahil sa bagong kaso, umakyat na sa 2,888,917 ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa buong bansa.
Mula sa nabanggit na bilang ay 56,561 naman ang mga aktibong kaso o nagpapagaling pa sa sakit.
Iniulat din ng DOH ang 616-na mga gumaling ngayong Huwebes, na siyang nagtulak para umabot na sa 2,780, 013 ang total recoveries sa buong bansa.
Samantala, mayroon namang 81 ka tao ang nadagdag sa mga pumanaw ngayong araw, na mas mataas sa 58-na mga namatay kahapon.
Sa kabuuan umabot na sa 51,743 ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay sa buong bansa ng dahil sa pandemya.
Ipinaliwanag ng DOH na may labing-isa pang laboratoryo ang hindi pa nakapag-sumite ng kanilang datos sa COVID-19 Documents Repository System.