Sinabi ni Dizon sa Talk to the People ni Pangulong Duterte kagabi (Enero 4), nagkasundo ang Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), at Departmebt of National Defense (DND) na magkaruon ng rekomendasyon para maipatupa na din ang naturang polisiya sa buong bansa.
Ayon sa kalihim, kabilang dito ay ang mga lugar na hindi naman nakikitaan ng pagtaas ng kaso sa COVID-19.
Batay sa ginawang report ni Dizon kay Pangulong Duterte, inihalimbawa nito ang ilang mga bansa na nagpapatupad ng ibat- ibang polisiya para sa kanilang mamamayan na di pa bakunado.
Anya, sa France posibleng magsagawa ito ng crackdown sa kanilang mga kababayan na unvaccinated habang sa Germany naman pinaplano ng kanilang mga lider na gawin ng cumpolsary ang pagbabakuna.
Nanindigan si Dizon na kailangang magsagawa ang pamahalaan ng istriktong hakbang upang mai- restrict ang mga indibidwal na hindi bakunado para sa kanilang proteksiyon sa gitna ito ng naitalang kaso ng Omicron variant, na anya mas mabilis ang pagkalat.
File Photo of Armando Fenequito