𝗣𝟭𝟯𝟳-M a𝘆𝘂𝗱𝗮 ipinamigay 𝘀𝗮 𝟰𝟲K 𝗜𝗻𝗱𝗶𝗴𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝗻𝗴 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗼 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹

Matagumpay na naisakatuparan ng DSWD FIeld Office 11 ang pagbabahagi ng cash assistance na umabot sa halagang P137 milyong piso sa 46,000 na mga indigent senior citizens sa buong probinsya ng Davao Oriental mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 20, 2025.

Bawat kwalipikadong benepisyaryo ay  P3,000 bilang ayuda, na nakalaan para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at kabuhayan. Ang halagang ito ay malaking ginhawa lalo na sa mga senior citizens na may limitadong pinagkukunan ng kita, at tumutulong upang matustusan ang kanilang mga pangunahing gastusin gaya ng pagkain, gamot, at iba pang personal na pangangailangan.

Isa si Tatay Jeremias mula sa bayan ng Governor Generoso sa mga nakatanggap ng nasabing ayuda. Ayon kay Tatay Jeremias, malaking tulong para sa kanya lalo na para sa pagbili ng kanyang maintenance na gamot.

“𝑫𝒂𝒌𝒐 𝒂𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝑫𝑺𝑾𝑫 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒉𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒔𝒂 3,000 𝒏𝒈𝒂 𝒂𝒚𝒖𝒅𝒂. 𝑲𝒊𝒏𝒊 𝒖𝒔𝒂 𝒌𝒂 𝒅𝒂𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒂𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒊𝒏𝒕𝒆𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒏𝒈𝒂 𝒕𝒂𝒎𝒃𝒂𝒍 𝒖𝒈 𝒖𝒃𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒊𝒏𝒂𝒉𝒂𝒏𝒈𝒍𝒂𝒏𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒅𝒍𝒂𝒘-𝒂𝒅𝒍𝒂𝒘.”

Ang Social Pension Program ng DSWD ay isa sa mga programa ng ahensya na nagbibigay ng buwanang tulong pinansyal sa mga indigent senior citizens upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, gamot, at iba pa. Patuloy na hinihikayat ng DSWD ang mga kwalipikadong senior citizens na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) o DSWD Field Office upang ma-assess at maisama sa listahan ng mga benepisyaryo sa susunod na payout.

📸DSWD 11