Ito ay sa gitna ng pangangailangang mas dapat paigtingin ang COVID-19 test sa gitna ng mas dumarami pang kaso ng virus.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Alexei Nograles, marahil magkakaroon na ng re -assessment sa paniningil ng RT-PCR test ngayong may makabago ng mga teknolohiya para madetermina ng mas mabilis ang resulta ng swab test.
Ayon sa opisyal ang Department of Health (DOH) na gagawa ng inisyatibo para komunsulta para maibaba ang kasalukuyang presyo ng RT-PCR test.
Matatandaang nagtakda ang pamahalaan ng price cap sa COVID-19 testing matapos pumalo ng hanggang sa P8,000 hanggang P10,000 nuon ang singil ng ibang mga laboratoryo.
Pero ngayon ay nasa P3,000 hanggang P4,000 ang singil ng RT-PCR test na hindi pa rin abot kaya ng mayoriya.
Samantalang, muling humirit si Deputy Minority Leader Carlos Zarate para sa libreng mass testing kasunod ng pagsipa ng kaso ng COVID 19.
Giit ng mambabatas na kailangan ng malawakang testing lalo na at muling tumaas ang bilang ng tinamaan ng sakit matapos ang holidays at banta ng Omicron variant.
Naniniwala din ito na dapat sabayan ito ng pro-active contact tracing at mas episyenteng vaccine roll out.
Payo ng mambabatas sa publiko na maging mas maingat upang hindi maulit ang mahigpit na lockdown ang bansa.