Dumating bansa ngayong Huwebes (Nobyembre 11) ang karagdagang 866,970 doses ng COVID-19 vaccine na Pfizer-BioNTech na binili ng national government.
Napag-alaman na unang batch ito ng ide-deliver na mahigit 1.7 million doses ng US vaccine brand.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa, labingwalong milyong doses na ng Pfizer ang nabili ng pamahalaan habang 14 million doses ay galing sa COVAX facility.
Hindi aniya malabong maabot ang target na 50 percent vaccination rate bago matapos ang taon lalo't 30.1 million Filipinos na ang fully vaccinated na katumbas ng 39 percent.
Samantala, naniniwala naman si Strategic Communications Head for Current Operations Assistant Secretary Wilben Mayor na tama ang pandemic response ng gobyerno matapos lumago ng 7.1 percent ang GDP ng Pilipinas nitong third quarter.
Bagama't dahan-dahang binubuksan ang ekonomiya ay bumaba naman umano sa 5 percent ang positivity rate ng COVID-19 infections.(BY RUTH PALO)