Sa isang press conference, sinabi ni 1001st Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Jesus Durante na isa siya sa kinikilalang mataas na lider ng organisasyon na nagtatago sa mga pinagkukutaan ng mga armed-wing nito na New People’s Army (NPA).
Ayon sa opisyal na magkakatulad ang ranggo nina Villanueva at ni Jorge Madlos o mas kilala na Ka Oris, sa kilusan kung saan itinuturing din itong Most Wanted Person ng batas.
Sinabi ni Durante na muling namataan si Villanueva sa probinsya ng Davao de Oro at naniniwala sila na hindi pa ito nakawala sa nasabing lugar.
Kaya, nanawagan si 10th Infantry Division Commander Maj. Gen. Ernesto Torres Jr., sa mga komunidad na agad i-report sa kasundaluhan o di kaya sa kapulisan kung makita nila ang nasabing lider sa kani-kanilang mga lugar.
Ayon kay Torres na mayroong sobra P5 milyong pisong gantimpala sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Villanueva para sa agarang pagkahuli nito.