Kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy na gumaganda: Duque

Iniulat ng kalihim ng Department of Health Francisco Duque 111 na patuloy pang gumaganda ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Iniulat ng kalihim ng Department of Health Francisco Duque 111 na patuloy pang gumaganda ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.


Sa kanyang ulat, sinabi ng kalihi  na nasa 1,409 na mga bagong kaso ng COVID--19 ang naitala kamakalaw na siyang  maituturing na pinaka-mababa sa buwang ito.


Anya, ang average na bilang ng COVID-19 mula November 3 hanggang November 9 ay nasa 2,068 na mas mababa ng 47% kumpara sa 3,883 noong October 7 hanggang November 2.


Ayon kay Duque, mas mababa na ito kumpara sa Peak o "rurok" ng mga kaso na naitala  noong September 6, hanggang sept.12 na umabot na halos sa 22,000.


Ang Metro Manila at buong bansa ay nananatiling nasa low-risk sa COVID-19 at tanging ang Cordillera Administrative Region (CAR) at Rehiyon dos o sa Cagayan Valley na lamang ang nananatiling nasa moderate risk.

Larawan:Francisco Duque 111 FB Page